fbpx

Andrea Brillantes, may pasabog na rebelasyon sa vlog ni Vice Ganda!

Ibinahagi ng aktres na si Andrea Brillantes sa YouTube vlog ng aktor na si Vice Ganda ang ilan sa mga kaganapan sa kanyang buhay noong mga panahong pumatok sa social media ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend nitong actor-athlete na si Ricci Rivero.

Ayon kay Andrea, heartbroken umano ito nang mag-travel sa Spain mag-isa noong June nitong taon. Ngunit hindi ang hiwalayan nila ni Rivero ang naging dahilan kung bakit ito umalis ng bansa. Iginiit ng aktres na hindi ito umiyak sa Spain, bagkus ay nag-enjoy ito sa freedom and independence na natamo nito mula sa kanyang solo travel.

Hindi naman itinanggi ni Andrea na matagal nitong iniyakan ang dating relasyon nila ng ex boyfriend na si Ricci, kung saan inamin nito na madalas daw ay nakaka-move on na siya sa loob ng “3 to 5 business days”. Ngunit sa nakaraang relasyon nito ay nagtagal ng 1 month ang kanyang moving on process.

Ibinahagi pa ng aktres na napagdaanan nito ang 5 stages of grief sa loob ng 1 month na pag-momove on nito. Ayon pa sa kanya, 1 week daw itong nasa “bargaining stage”, kung saan nais nitong makipagbalikan sa naturang ex-boyfriend. Inamin din nito na mahal pa niya si Rivero nang mag-break sila. Ani pa ni Andrea, “Very much, love na love ko pa.”, nang tanungin ito kung “inlove” pa ba siya matapos ang break-up ng dalawa.

Ibinahagi rin naman ni Andrea na “todo” raw ito kung magmahal at magbigay sa isang relasyon.

Napa-buntong hininga na lamang ang aktres matapos nitong i-recall ang kanyang mga ibinigay sa dating relasyon. Ayon pa dito, umabot raw ng milyon ang pinakamahal na iniregalo nito sa isang boyfriend. Ibinahagi naman ng aktres na hindi raw ito gamit, ngunit ito ay TF o talent fee sa isang project kung saan “ipinush” ni Andrea na makasama ang kanyang boyfriend noon kahit hindi naman ito dapat parte ng naturang project. Kung kaya’t ipina-bawas na lamang ni Andrea sa kanyang talent fee ang ibinigay na TF sa ex boyfriend nito. Saad pa nito, “Ganun po ako mag-love eh”.

Nang tanungin naman ang aktres kung ito ba ang tipo ng ex-girlfriend na nambabawi ng regalong ibinigay sa ex-boyfriend matapos ang break-up, itinanggi niya ito at sinabing “hindi niya raw gagawin ‘yun”. Biro pa ni Andrea, “Kapag kinuha ko kasi lahat ng binigay ko sa kanya, wala na siyang gamit sa condo niya.” Inamin naman ng aktres na madali para sa kanya ang “mag-move forward sa life” dahil marami na umano itong pinagdaanan sa buhay.

About Author