Karumal-dumal ang ginawang pagpaslang ng menor de edad na lalaki sa isang 28-anyos na nawawala matapos itong sakalin at itapon sa bangin ng Barangay del Pilar San Pascual, Batangas.
Ang suspek isang 16-anyos na lalaki, habang ang biktima ay pinangalanan na si Jake Pamudulan mula sa Brgy. Sambat San Pascual Batangas.
Ayon sa Batangas Police Report, natagpuan ng mga pulis bandang alas-12:40 ng madaling araw sa naturang lugar ang labi ng biktima na walang suot pang-ibaba kung saan nawawala pa noong Agosto 3, 2023.
Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, inamin mismo ng suspek sa kanyang ama na sinakal nito at pinaslang si Jake matapos magkaroon sila ng away at pagtatalo.
Itinapon ng suspek ang katawan ng biktima bandang alas 8:30 ng gabi noong Agosto, 3,
Matapos ang karumadumal dumal na krimen, tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo ng biktima.
Isasailalim naman sa awtopsiya ang katawan ng biktima upang malaman pa ang ikinamatay nito.
Dahil menor ang suspek, pansamantala muna sa pangangalaga ng San Pascual MSWD. | BChannel News