fbpx

LALAKI, PINAGBABARIL SA LOOB NG SEMENTERYO; PATAY

Isang lalaki ang pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng sementeryo sa Brgy. Mataywanak, Tuy, Batangas nitong Huwebes ng alas-5:45 ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Victor William Pedraza, residente ng Brgy. Rillo, Tuy, Batangas.

Ayon sa salaysay ng isang concern citizen sa pulisya, habang dinadalaw ng mag-asawa ang puntod ng kanilang ama sa Tuy Memorial Park Cemetery ay biglang dumating ang 2 suspek sakay ng motorsiklo.

Agad na pinaputukan ng 2 suspek ang mister nito na tinamaan sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Matapos ang insidente agad na tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa si Pedraza sa ospital subalit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Nakuha sa crime scene ang 7 basyo ng bala ng caliber 45.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng mga suspek habang inaalam na rin ang motibo sa krimen.

About Author