fbpx

LOLO, PATAY SA SUWAG NG ALAGANG BAKA

Patay ang 81-anyos na lolo matapos suwagin ng alagang baka sa tapat ng kanilang bahay sa Bangued, Abra.

Ayon sa asawa ng biktima na hinihila umano ng mister ang baka sa tapat ng kanilang bahay nang bigla itong suwagin ng hayop.

Paglalahad pa niya sa pulisya, na tinapakan umano ng baka ang biktima dahilan upang magtamo ito ng malalang pinsala sa ulo.

Dinala agad sa ospital ang biktima subalit sa kasamaang palad ay binawian din ito ng buhay.

Batay naman sa ulat, anim na taon nang alaga ng biktima ang baka na plano na sanang ibenta.

About Author