fbpx

BARANGAY TANOD NA ON-DUTY BINARIL SA MABINI, BATANGAS; SUGATAN

Sugatan ang isang barangay tanod habang nasa duty matapos itong barilin sa tiyan ng ka-barangay bandang alas-11 ng gabi noong Setyembre 1 sa Brgy. San Francisco, Mabini, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Mario Banta, 58 taong gulang, barangay tanod at residente ng Brgy. San Francisco, Mabini, Batangas samantalang kinilala naman ang suspek na si Benjamin De Torres na residente rin ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng Mabini MPS, habang nasa duty ang biktimang barangay tanod ay bigla itong nilapitan ng suspek at naglabas ng armas saka binaril ang biktima sa tiyan nito, nakatakbo naman agad ang biktima patungo sa mga naka duty na security guard ng PNOC upang humingi ng tulong.

Nagtamo nga ang biktima ng sugat mula sa pagkakabaril dito at kaagad ding dinala sa ospital samantalang nakatakas naman ang suspek sakay ng kulay pulang motor papuntang Bauan, Batangas.

Kaugnay nito, patuloy pa nga ang hot pursuit operation ng mga awtoridad para sa posibleng pagkakadakip ng suspek at hahainan nga rin ito ng kaso ukol sa nangyaring insidente.

About Author