fbpx

Lalaki, patay matapos makuryente sa Bauan, Batangas

Patay ang isang lalaki matapos makuyente sa bubong ng kanilang bahay sa Sitio Taño Road, Bauan, Batangas nitong Miyerkules ng tanghali.

Ayon sa report ng Bauan Police at pahayag ng kapitbahay nito, umakyat sa bubong ang biktima na si Glen Mascariñas, 31 anyos, dahil sa narinig niya na ingay.

Pero pagdating nito sa bubong ay bigla na lang natumba ang biktima dahil umano sa lakas ng boltahe ng kuryente.

Sinubukan pa saklolohan ang biktima ng isang barangay health worker subalit maging ito ay nakaramdam ng kuryente sa naturang bubong.

Nadala pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

About Author