fbpx

2 barko ng Pinas binangga ng China sa West Philippine Sea

Kinumpirma mismo ng National Task Force for the West Philippine Sea ang pagbangga at panibagong insidente ng pangha-harass ng barko ng China sa mga barko ng Pilipinas upang maghatid ng suplay sa mga sundalo na nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Anila, nangyari ang insidente alas 6:04 ng umaga ng Linggo habang nagsasagawa ng regular and routine Rotation and Resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang panghaharas ng barko ng China ay tinawag ng task force na mapang-hamon, iresponsable at iligal lalo na’t nalagay sa alanganin ang buhay ng mga crew na sakay ng Unaiza May 2.

Nilabag din anila nito ang soberenya ng Pilipinas at ang karapatan natin sa ilalim ng United Nations Charter, United Nations Convention on the Law of the Sea, Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea” at iba pang convention.

Bukod sa insidente, nabangga din ng Chinese Maritime Militia vessel ang BRP Cabra — ang gilid ng PCG sa gitna ng resupply mission na nangyari naman sa layong 6.4 nautical miles northeast ng Ayungin Shoal.

Pahayag naman ng US Ambassador to the Philippines, na kinokondena ng kanilang bansa ang nangyaring pag-atake ng China sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

About Author