Isang malaking buwaya ang namataan sa ilalim ng mga bahay sa Sitio Tagdalungon, Rio Tuba, Bataraza, Palawan nitong Huwebes ng gabi.
Sa video ng uploader na si Sky Derrick, kapansin-pansin ang paggapang ng malaking buwaya sa ilalim ng mga bahay.
Makalipas naman ang ilang minuto ay umalis na rin ito at bumalik na din sa tubig.
Ayon sa uploader, madalas umanong may napapadpad na buwaya sa kanilang lugar pero ito aniya ang pinakamalaki niyang nakita. Tinatayang aabot naman sa 14 na talampakan ang naturang buwaya.