fbpx

PNP, wala pang malinaw na pruweba kung buhay pa si Catherine Camilon

Wala pa rin umanong malinaw na pruweba kung buhay pa ang nawawalang Batanguenang teacher at beauty queen na si Catherine Camilon, ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Biyernes.

Ang huling update pa lang kasi ng mga awtoridad ay tumugma ang mga dugo at hibla ng buhok sa DNA samples na ibinigay ng pamilya ni Camilon.

Kaya naman naniniwala ang PNP-CIDG na ang katawan ng babaeng duguan na nakitang inilipat sa pulang Honda CRV mula sa kotseng grey ay si Catherine gaya ng testimonya ng dalawang lumutang na saksi.

Samantala, kinumpirma ng PNP na bukod sa mga buhok ni Catherine ay may iba pang buhok na nakuha mula sa abandonadong SUV. Hindi naman isinasantabi ng pulisya kung pag-aari ito ng mga suspek.

Kinasuhan na ng PNP ng kidnapping at serious illegal detention ang suspek na si Police Major Allan de Castro, driver at bodyguard niyang si Jeffrey Magpantay at dalawa pang indibiduwal.

Ayon sa PNP, sasalang naman sa piskalya para sa preliminary investigastion ang itinuturing na pangunahing suspek na si de Castro, sa darating na December 19, at sa January 9, 2024.

May pabuya naman si Senator Raffy Tulfo na P500k sa makapagtuturo kay Jeffrey Magpantay.

About Author