fbpx

Traslacion 2024, umabot sa 15 oras

Umabot sa 15 oras ang pagusad sa nangyaring Traslacion ngayong taon matapos makabalik ang Itim na Nazareno sa Quiapo Church nitong Martes.

Nakarating ang karwahe o andas ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church alas-7:45 ng gabi kung saan umalis sa Quirino Grandstand ng alas-4:45 ng madaling-araw.

Bago ang pagliko ng andas sa Arlegui street at Quezon Boulevard, naputol pa ang isa sa dalawang lubid na humihila sa imahen ng Itim na Nazareno habang isinasagawa naman ang Traslacion.

Muling nasaksihan naman ng mga namamanata sa prusisyon ang tradisyunal na “Dungaw” sa pagitan ng Birheng Maria at Black Nazarene sa Minor Basilica of San Sebastian.

Samantala, umabot sa higit 706 na mga indibidwal ang naserbisyuhan ng Philippine Red Cross (PRC) na nangangailangan ng atensyong medikal sa Traslacion.

Ayon sa DOH, wala namang naitalang nasawi sa prusisyon ngunit isang lalaki ang matinding nasaktan nang mahulog matapos akyatin ang andas.

Sabi ng Quiapo Church Command post, nasa 6.5 milyon umano na deboto ng Nazareno ang sumama sa prusisyon mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church.

About Author