Isang service crew ang natagpuan na walang nang buhay sa isang branch ng kilalang conveniece store sa Poblacion 4, Sto. Tomas City, Batangas nitong Linggo.
Ayon sa police Report ng Sto Tomas City Police Station, natagpuan umano ng mga katrabaho na nakadapa sa loob ng CCTV room ang 35-anyos na biktima.
Batay sa kuha ng CCTV, habang kumakain ng barbeque sa loob ng CCTV room ay nawalan ito ng malay at posibleng nabulunan ang biktima sa kinakain nito.
Naisugod pa ng CDRRMO ang biktima sa Laurel Memorial District Hospital sa Tanauan City subalit idineklara na itong dead on arrival.
Sasailalim naman sa autopsy ang katawan ng biktima habang patuloy din ang imbestigasyon.