fbpx

Lolo, patay sa sunog sa San Luis, Batangas

Patay ang isang 85-anyos na lolo matapos mag-apula ng apoy sa likod bahay nito sa Barangay Taliba, San Luis, Batangas dakong alas 2:10 ng hapon nitong Martes.

Ayon sa report ng San Luis Police Station, habang nagsusunog umano ng basura ang biktima sa likod ng kanyang bahay ay kumalat ang apoy sa katabing kawayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinubukan pa umano ng biktima na pigilan ang apoy subalit aksidenteng nawalan ito ng balanse at sumemplang naman na naging dahilan para maabutan siya ng sunog na kanyang ikinamatay.

Natupok ang apoy dakong alas-3:50 ng hapon, ayon sa mga awtoridad.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.ย 

About Author