fbpx

Biktima umano ng ‘salvage’ natagpuan sa Tanauan City, Batangas

Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa Sitio Hipit, Barangay Janopol Oriental, Tanauan City, Batangas nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa pinadalang report ng Tanauan City Police, natagpuan ng mga residente ang katawan ng biktima malapit umano sa tubuhan.

Nakabalot sa sako, nakatali ang mga paa at kamay gamit ang alambre, at hubo’t hubad ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pangangalap ng impormasyon na makatutulong sa pagtukoy sa motibo at salarin sa likod ng krimen.

About Author