fbpx

Pangunahing suspek sa kaso ni Catherine Camilon hindi dumalo sa Senado

Photo: Senate of the Philippines

Hindi nagpakita sa pagdinig sa Senado nitong Martes ang pulis na itinuturing bilang pangunahing suspect sa kaso ng pagkawala ng beauty queen at teacher na si Catherine Camilon.

Sa ginawang pagdinig sa Senado, nagpadala ng liham si Police Major Allan de Castro na hindi makakadalo sa imbestigasyon dahil walong buwang buntis umano ang asawa nito at sumasakit na umano ang tiyan.

Gayunpaman, ikinokonsidera ni Senator Bato Dela Rosa na ang dahilan ng primary suspect ay “flimsy alibi.”

Ayon pa kay Dela Rosa, hindi naman si De Castro ang manganganak, kung kayat kinuwestiyon nito na bakit hindi maaring pumunta ang suspek.

Sabi pa ni Dela Rosa, hindi rason na buntis ang asaawa nito para hindi dumalo sa pagdinig.

Hindi rin nagpakita sa Senate hearing ang driver-bodyguard ni De Castro na si Jeffrey Magpantay. Ayon sa committee secretary, hindi umano maganda ang pakiramdam ni Magpantay.

Babala ni Dela Rosa na ang mahahalagang resource persons na hindi dadalo sa pagdinig ay posibleng isyuhan ng warrant of arrest ng Senado.

Nangako naman si De Castro na dadalo na ito sa susunod na pagdinig sa oras na maayos na ang kalusugan ng kanyang asawa.

Matatandaang hindi rin dumalo sa mga naging pagdinig ang mga suspek sa anumang preliminary investigastion sa Batangas.

Samantala, kasalukuyang nahaharap sa reklamong kidnapping at serious illegal detention sina De Castro, driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay at dalawa pang “John Does.”

Magugunitang nawala si Catherine Camilon noong Oktubre a-12 habang dala nito ang kotse na kulay grey.

About Author