fbpx

2 lalaki, patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon

Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa probinsya ng Quezon noong Miyerkules.

Ayon sa ulat ng Lopez Police Station, habang nanonood ng TV sa kanyang bahay ang biktima na si Rogelio Basquinas, 58-anyos, mula sa Barangay Sumalang, ay agad itong pinagbabaril ng dumating na suspek na si alyas Louielito.

Matapos ang krimen kaagad na tumakas ang suspek dala ang ginamit nitong armas.

Samantala, pinagbabaril naman sa kaniyang motorsiklo ang isang 41-anyos na lalaki sa national highway sa Brgy. Pilaway, Infanta, Quezon noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, habang sakay ang biktima na si Manuelito Junio, sa motorsiklo papuntang Infanta ay bigla na lang itong binaril ng dalawang beses sa katawan ng di pa kilalang suspek habang sakay sa isang kotse.

Matapos ang krimen, agad tumakas ang suspek patungo ng Real, Quezon. Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang motibo ng mga ito sa pagpaslang.

About Author