fbpx

19-anyos na estudyante, patay matapos mabangga ng bus sa Sto. Tomas City, Batangas

bright burn burnt candle

Nasawi ang isang Highschool student na lalaki matapos mabangga ng isang truck bus habang tumatawid sa Maharlika Highway, Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City, Batangas, noong Lunes dakong alas-8 ng gabi.

Ayon sa report ng Santo Tomas Police, papatawid na umano sa kalsada ang biktima na si Jefferson Cauyson, 19-anyos, nang biglang bumangga ang naturang bus na minamaneho ng 59-anyos na lalaki.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagtamo ang biktima ng mga grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Dinala pa sa ospital ang biktima upang bigyan ng tulong medikal ngunit sa kasamaang palad ay idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Ayon sa pulisya, patuloy ang imbestigasyon sa insidente na kung saan mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

About Author