fbpx

3 katao, patay matapos sumeplang sa motorsiklo sa Laurel, Batangas

Dead-on-arrival ang tatlong lalaki matapos mawalan ng kontrol at aksidenteng sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Sta. Maria, Laurel, Batangas, nitong Linggo, Marso 10.

Kinilala ng Laurel Municipal Police Station, ang mga nasawi na sina Romeo Caiman, 41 anyos, Ronald Caiman, 35 anyos, at isang menor de edad, pawang mga residente ng Brgy. Sta Maria sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Laurel MPS, dakong alas 8 ng gabi, habang nagmamaneho ng motorsiklo ang rider kasama ang dalawang backrider, bigla na lamang nawalan ng kontrol ito, na nagresulta sa kanilang pagkakasemplang sa nasabing daan.

Dahil dito, nahulog ang driver at mga sakay nito sa kalsada, at nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kaya’t agaran naman silang dinala sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival ang tatlo.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng Laurel MPS ang buong pangyayari. | J.A Idanan, B. Channel News

About Author