fbpx

51-anyos na babae, pinagbabaril ng isang barangay kagawad sa Lipa City, Batangas; patay

Patay ang isang 51-anyos na babae makaraan barilin ng isang brgy. kagawad sa Purok 1, Brgy. Pag-olingin West, Lipa City, Batangas noong Sabado dakong alas-4:30 ng hapon.

Kinilala ng Lipa City Police ang biktima na si Marilyn Escartin, residente ng San Juan, Batangas, habang ang suspek ay kinilalang si alyas Joey, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, habang naglalakad ang biktima sa naturang lugar ay biglang nilapitan ng suspek at pinagbabaril ng ilang beses ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang posibleng motibo nito sa krimen.

About Author