fbpx

2 taong gulang na batang babae, nilapa ng mga aso sa Samar

Nakaratay ngayon sa ospital ang dalawang taong gulang na batang babae matapos itong lapain o sakmalin ng tatlong aso sa Barangay Timbangan, Calbiga, Samar.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinundan ng bata ang kanyang ina na papasok sa trabaho ngunit napapunta sa isang piggery kung saan naroroon ang tatlong aso na nagbabantay sa labas ng babuyan.

Dahil dito, agad na nilapa ang bata ng apat na aso, kung saan kinagat pa ang kaliwang tenga at napinsala din ang likurang ng bata.

Sa ngayon nasa ospital ang nasabing biktima at nilalapatan na ng lunas ang mga tinamong sugat nito. Tinali naman ng may-ari ng piggery ang 3 na aso at nangako umanong tutulong sa pamilya ng bata.

About Author