fbpx

8-anyos na bata, nalunod sa pool ng resort sa Cavite; patay

Nauwi sa trahedya ang masayang sanang okasyon ng isang pamilya nang masawi ang 8-anyos na batang babae matapos malunod sa swimming pool sa Brgy. Ligas, Bacoor City, Cavite, noong Linggo dakong alas 3:30 ng hapon.

Batay sa report ng Cavite Police, habang naliligo at nagkakasiyahan ang pamilya para sa isang okayson ay napansin na lamang ng isang kustomer ng resort na nalulunod na ang biktima sa swimming pool na may lalim na 4-5 feet.

Sinubukan pang i-revive ang bata saka isinugod sa hospital subalit binawian na rin ng buhay.

About Author