fbpx

33-anyos na welder, patay matapos makuryente sa Rosario, Batangas

Patay ang isang 33-anyos na welder matapos umanong makuryente sa Brgy. Bagong Pook, Rosario, Batangas nitong Miyerkules.

Ayon sa Rosario Municipal Police Station, natagpuang wala nang buhay ng kanyang katrabaho ang biktima habang nakahandusay sa lupa na hawak ang isang grinder.

Kaagad naman pinatay ng katrabaho ang circuit breaker at dinala ang biktima sa ospital subalit ideneklarang dead on arrival.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

About Author