fbpx

Rider, sugatan matapos mabangga ng pick-up ang kanyang motorsiklo sa San Juan, Batangas

Sugatan ang 78-anyos na lalaki matapos mabangga ng pick-up ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Brgy. Poblacion, San Juan, Batangas, alas 7:25 ng umaga, nitong Marso 25, 2024.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan MPS, habang binabagtas ng dalawang sasakyan ang national highway ng Gen. Luna Street, hindi napansin ni Loreto Bodonia ang paparating na pick-up ni Orlando Badillo dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito ng kanyang motorsiklo, kaya nauwi ito sa banggaan.

Si Loreto ay nagtamo ng mga sugat kaya agad siyang dinala sa ospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang aksidente. | A.M. Dimayuga, BChannel News

About Author