Arestado ang isang 43-anyos na lalaki matapos umanong tagain sa ulo ang isang 23-anyos na biktima sa Brgy. Tangway, Lipa City nitong April 12 ng gabi.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nag-iinuman ang dalawa nang mauwi sa mainit na pagtatalo hanggang sa umalis ang biktima para umiwas. Ngunit sinundan ito ng suspek at tinaga gamit ang bolo.
Isinugod ang biktima sa Ospital ng Lipa habang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkarekober ng armas.
Nasa kustodiya na ito ng pulis at nahaharap sa kasong frustrated murder.