fbpx

50-anyos na lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Tanauan City, Batangas

Patay ang 50-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Banjo East, Tanauan City Batangas pasado alas 5:40 ng hapon nitong Martes, Marso 26.

Nakilala ng Tanauan City Police ang biktima na si alias “Ricky Carandang,” 50-anyos at residente ng nasabing lugar.

Batay sa Imbestigasyon ng Tanauan CPS, sa nasabing oras at pinangyarihan, lumalabas na nagmamaneho ang biktima ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang umano itong lapitan ng suspek habang sakay sa isang AUV at pinagbabaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang pamamaril agad umanong tumakas ang suspek, nadala pa sa Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang isang (1) bala na hindi pa mabatid na kalibre.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Tanauan City Police, habang patuloy na pinaghahahanap ang suspek gayundin ang motibo ng suspek sa pamamaslang. | A.Carpio, BChannel News

About Author