fbpx

24-anyos na lalaki, patay habang nag-i-snorkeling sa Lian, Batangas

Isang 24-anyos na lalaki naman ang nasawi sa pagkakalunod habang nag-i-snorkeling sa Matabungkay, Lian, Batangas, noong Sabado De Gloria dakong alas 4:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Lian Police, umarkila ng bangka ang biktima at ang kanyang mga kaibigan para magsagawa ng snorkeling sa laot.

Base sa salaysay ng kasamahan ng biktima, inalis umano ng lalaki ang kanyang life vest at sumisid ngunit nakaranas ito ng kakapusan sa paghinga, dahil dito humantong sa pagkakalunod ang biktima.

Agad naman dinala sa dalampasigan ang biktima ng kanyang mga kaibigan kasama ang tour guide para ma-assist ng mga awtoridad at maisugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente.

About Author