fbpx

Lalaki, patay matapos malunod sa isang creek sa San Jose, Batangas

Patay ang isang 32-anyos na lalaki matapos umanong malunod sa sapa sa Brgy. Mojon Tampoy, San Jose, Batangas.

Sa imbestigasyon ng San Jose Police, Biyernes Santo nang magtungo ang biktima sa sapa kasama ang lima nitong kaibigan para maligo at mag-inuman.

Dahil sa sobra umanong kalasingan ng mga kaibigan ng biktima, nagsiuwian na sila at hindi na namalayan ng mga ito na naiwan pala ang biktima sa sapa.

Kinabukasan, napansin ng mga kaanak ng biktima na hindi na nakauwi ito sa bahay kung kaya’t agad nila itong hinanap at nadisbukbre nga ang katawan ng bikitma sa sapa na palutang-lutang bandang alas 5:40 ng hapon.

Sa tulong ng mga awtoridad, nakuha ang bangkay ng lalaki sa naturang lugar.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

About Author