fbpx

2 patay, 22 pasahero sugatan matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang jeepney sa isang puno sa Lobo, Batangas

Dalawang katao ang nasawi at 22 pasahero ang nasugatan matapos umanong bumangga ang sinasakyan nilang jeepney sa isang puno sa gilid ng kalsada sa Barangay Malabrigo, Lobo, Batangas noong Sabada de Gloria ng hapon.

Ayon sa report ng Lobo Police, habang minamaneho ng 54-anyos na driver ang sasakyan na may sakay na 23 pasahero, sa pababang kurbada ng kalsada nang mawalan ito ng kontrol.

Dahil dito, tumama ang jeepney sa isang barikada ng kalsada at pagkatapos ay sumalpok naman sa isang puno.

Nagtamo ng mga sugat ang driver at lahat ng kanyang mga pasahero, ngunit sa kasamaang palad binawian ng buhay ang driver ng jeepney at ang isang pasahero nito.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya.

About Author