Sugatan ang dalawang lalaking menor de edad matapos umanong saksakin ng nakaalitang suspek sa Brgy. Masaya, Rosario, Batangas nitong Biyernes bandang alas 12:10 ng madaling araw.
Nakilala ng Rosario MPS, ang biktima na si alyas Gabriel, 16 taong gulang at isa pang menor de edad habang ang suspek naman ay si Alyas Ardrin, 18 taong gulang kapwa naninirahan sa nasabing lugar.
Batay sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ng Rosario MPS, nagkita ang nasabing mga biktima at suspek sa lugar ng insidente at doon nagkaroon ng pagtatalo dahilan upang bumunot ng patalim ang suspek at nasaksak ang isang biktima ng dalawang (2) beses sa dibdib habang ang isa naman ay sa ibabang bahagi ng katawan.
Naisugod naman sa pinakamalapit na ospital ang dalawang biktima at kasalukuyan na nagpapagaling.
Agad namang nadakip ang nasabing suspek kung saan nakumpiska rin sa kanya ang isang balisong na kanyang ginamit sa krimen.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Rosario MPS ang suspek at nahaharap sa kasong Frustrated Homicide. | J. Fruelda, A.Carpio – BChannel News