fbpx

Rica Peralejo at Piolo Pascual, nagkaroon ng ‘No Label’ relationship

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nakapanayam ng King of Talk ang celebrity mom na si Rica Peralejo patungkol sa naging relasyon nila ng aktor na si Piolo Pascual.

Sa kanyang naging interview, napag usapan nila ang naging past relationship niya with Piolo Pascual at ang di umano’y pase-settle down na sana noon nina Rica at Piolo kahit “no label” pa ang kanilang relasyon.

“It was just something that we entertained. It never got to that point and we never labeled our relationship. But it was very, very good naman what we had together,” saad ni Rica.

Pag-amin pa ni Rica na totoong nagkaroon sila ng mutual understanding ni Piolo pero hanggang doon lamang ito at walang naging label ang kanilang naging relasyon.

Aniya, “We existed and function like a couple talaga.There were talks of like…parang hindi naman diretso na magse-settle-down together ganiyan pero ano lang like any other couple ganun lang siya na maiisip mo na puwedeng mangyari ito.”

Dagdag pa nito, hindi rin naman daw nangako si Piolo at okay lang naman umano ‘yun kay Rica. Hindi naman daw umabot sa point na nilagyan talaga nila ng label kung ano ang meron sa kanila. At sinabi rin nito na maayos naman ang kanilang naging pagsasama.

“I think it was very obvious that we liked each other, we loved each other, but we were like more friends really na we just like to be together a lot.” saad pa ni Rica.

Gayunpaman, hindi rin naman siya nag-assume or nagbigay pa ng malalim na kahulugan sa naging relasyon nila ni Piolo.

Para sa kanya masaya na siya sa kung anong meron at kung hanggang saan lang sila noon ni Piolo.

Sa ngayon si Rica Peralejo ay happily married na sa kanyang asawa na si Joseph Bonifacio at may dalawa na silang anak na si Philip and Manu. | D. Gingco, BChannel News

About Author