fbpx

Batangas, magho-host ng Batangas Kulinarya Goto at Kapeng Barako Cook Fest ngayong buwan

Pangungunahan ng Batangas Tourism and Cultural Affairs ang nalalapit na “Batangas Kulinarya Goto at Kapeng Barako Cook Fest,” na gaganapin sa Lyceum of the Philippines University (LPU) sa ika-25 ng Abril.

Ayon sa BTCA, ang Batangas Kulinarya Goto at Kapeng Barako Cook Fest ay naglalayong itaguyod ang food, gastronomy, at farm tourism, sa pagpapalawak ng kamalayan, pagpapahalaga, at pangangalaga sa kasaysayan at kultura ng Filipino culinary at layunin din nitong mang-akit ng mga turista at itampok ang lalawigan bilang isang culinary destination.

Bukod dito, ang cook fest ay bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Food Month, na ipinagdiriwang tuwing Abril sa ilalim ng Presidential Proclamation 469.

Base sa inilabas na mga guidelines ng BTCA, may dalawang kategorya ang patimpalak: ang professional division at student division. Mayroon lamang na sampung (10) slots sa bawat kategorya.

Ang mananalo sa Gotong Batangas Cook Fest para sa professional category ay tatanggap ng gold medal, certificate, at cash prize na P15,000. Samantala, ang mananalo naman sa student category ay tatanggap ng gold medal, certificate, at mahigit na P10,000.

Bukod dito, ang mananalo naman sa Kapeng Barako sa professional category ay tatanggap ng gold medal, certificate, at cash prize na P10,000. Habang ang mananalo naman sa student category ay tatanggap ng gold medal, certificate, at mahigit na P5,000. | J.A Idanan, B. Channel News

About Author