Nasawi ang isang 56-anyos na lalaki matapos umanong mahulog mula sa puno ng Mangga sa Brgy. Sawang, Lobo, Batangas, nitong Linggo ng hapon, ika-22 ng Abril.
Kinilala ang nasawing biktima na si Ruben De Mesa, isang magsasaka sa nasabing lugar.
Ayon sa kwento ng mga saksi, bandang alas-4 ng hapon, nakita umano na umakyat ang nasawing biktima sa puno ng mangga upang magputol ng sanga nang biglang mawalan ito ng balanse at mahulog.
Dahil sa lakas ng pagbagsak nito, nagtamo ng bali ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kawatan.
Agad naman dinala ang biktima sa Lobo Municipal Hospital para mabigyan ng medikal na atensyon, ngunit idineklarang patay.
Wala namang kahinahinalang pagtangka o foul play na naganap sa nasabing insidente, ayon sa Lobo Municipal Police Station. | J.A Idanan, B.Channel News