fbpx

Estudyante, ikinuwento ang pagkadismaya matapos umanong ipahiya ng isang Konuktor ng Bus dahil sa Student discount

Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyaring pamamahiya umano ng isang konduktor ng bus sa isang estudyante sa harap ng ibang pasahero dahil sa paggamit nito ng student discount sa araw ng weekends o holidays.

Sa Facebook post ng estudyanteng si Rhianne, ibinahagi niya ang naging traumatizing bus experience niya sa pagsakay niya sa isang bus nitong Linggo. Nang magbayad kasi siya ng bente pesos, eksakto sa binabayad niya patungong Terraces, ay tinanong umaano siya ng konduktor kung may pasok. 

Nang banggitin niyang wala ay sinabihan siya nito na hindi umano ginagamit ang student discount kapag weekend o linggo.

“Sa susunod huwag gagamit ng student discount kapag walang pasok Neng ha” pahayag ng konduktor ng bus. 

Dahil dito, umani ito ng simpatya mula sa mga netizens habang ang ilan ay nagbahagi ng kanilang parehong naging karanasan.

Same po nangyari sa’kin sa fx biyaheng fairview pa quiapo🥺 sinigawan ako ng driver nakakahiya lang kaya di na rin ako sumagot pa”, komento ng isang netizen.


Ayon sa Memorandum Circular No. 2017-024 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan karapatan ng bawat estudyante na makatanggap ng dalawampung porsyento(20%) ng diskwento sa pamasahe na sasakay sa anumang mga pampublikong sasakyan. 

Alinsunod din sa  Republic Act No. 11314 o Student Fare Discount Act, epektibo ang pagbibigay ng discount araw-araw, Lunes hanggang Linggo, tuwing holidays, at maging summer break or sem break ng mga estudyante. 


Nakasaad din sa ilalim ng naturang batas, ang driver ay maaaring mapatawan ng isang (1) buwang suspensyon sa first offense hanggang tatlong buwan pag umabot ng third offense habang ang operator naman ay mag mumulta ng P5,000 sa first offense, P10,000 at 30 days impoundment sa second offense at P15,000 at posibleng kanselasyon ng prangkisa sa third offense.| D.B Rupan, BChannel News

About Author