Patay ang isang 14-anyos na dalagita matapos barilin ng ilang beses ng isang nakamaskarang lalaki habang nag-aaral ng kanyang mga module sa kanilang tahanan sa Sitio Riverside 1, Barangay Cansojong, Talisay City, Cebu, ngayong Biyernes ng umaga, ika-26 ng Abril.
Ayon sa kapatid ng biktima, nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay na inuupahan ng pamilya ng biktima, nang sapilitang pinasok ang kanilang tahanan ng hindi pa matukoy na nakamaskarang lalaki at pinagbabaril ang biktima ng maraming beses.
Agad na isinugod ang estudyante sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang d*ad on arrival na ang dalagita.
Sa ngayon, patuloy pa rin na inimbestigahan ng Talisay City Police Station ang nangyaring insidente. | J.A Idanan, B.Channel News