fbpx

4 taong gulang na bata, patay matapos malunod sa isang resort sa Lemery, Batangas

Nasawi ang apat (4) na taong gulang na babae matapos umanong malunod sa Abaksa, Beach Resort, Barangay Nonong Casto, Lemery, Batangas, pasado alas 5:20 ng hapon nitong Linggo, ika-28 ng Abril.

Batay sa imbestigasyon ng Lemery Police, nag-outing umano ang pamilya ng biktima sa nasabing resort, at agad pumunta ang biktima sa swimming pool, makaraan ang ilang minuto ay napansin na lamang ng mga life guard na umiiyak ito at nangingitim na ang mga labi.

Agad namang sinugod ang biktima sa Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman na ang biktima ay residente mula sa Brgy. Concepcion, San Simon, Pampanga. | A.Carpio, BChannel News

About Author