fbpx

Malaking puno ng Acacia Tree, bumagsak sa Batangas City

Bumagsak ang isang Acacia tree sa may kanto sa pagitan ng Minor Basilica and Parish of the Immaculate Conception at St. Bridget College sa Batangas City, nitong Sabado, ika-27 ng Abril.

Sa larawan na ibinahagi ni Marivel Santos sa Facebook, makikita ang isang sasakyan na nabagsakan ng malaking puno.

Ayon kay Santos, bandang alas dos ng madaling araw nangyari ang pagbagsak ng puno. Bukod dito, sinabi niya na ang nabagsakang sasakyan ay pag-aari ng isang pulis.

Sa kabutihang-palad, wala naman nasaktan o nasugatan sa insidente.

Ayon naman sa Philippine Cultural Education, ang akasya (order Fabales) ay isang uri ng puno na nabubuhay sa mga pook tropiko at maiinit na lugar.

Madalas makita ito sa mga gilid ng kalsada, plaza, mga bakanteng lote, at kagubatan.

Pinaniniwalaan din ng mga matatanda na ang mga akasya o Acacia tree ay matagal nang naroon bago pa sila ipinanganak at bago pa ang kanilang mga ninuno. | J.A Idanan, B.Channel News

About Author