Nasawi ang isang 7-anyos na bata matapos umanong malunod sa San Juan River sa Brgy. Poblacion, Malvar, Batangas, nitong Linggo, ika-28 ng Abril.
Base sa ulat ng Malvar Municipal Police Station, bandang alas tres ng hapon, habang naliligo sa San Juan River ang biktima kasama ang kaniyang tiyuhin na si Jayson Bueta, aksidenteng naabot ng bata ang malalim na bahagi ng ilog.
Sa kasamaang palad, hindi kinayanan ng bata na languyin ang malalim na bahagi ng ilog, na nauwi sa pagkakalunod nito.
Agad namang dinala ang bata sa pagamutan subalit idineklara na itong wala nang buhay. | J.A. Idanan, B.Channel News