Inilunsad ang Angels Walk advocacy event, upang gunitain ang Buwan ng Paggalang sa World Autism Awareness, sa SM City Lipa Event Center nitong Martes, Abril 30, 2024.
Ang Buwan ng Paggalang sa World Autism Awareness ay ipinagdiwang sa temang “Empowering Brains for Autism” sa pangunguna ng Mayor ng Lipa, Mayor Eric Africa, at Kon. Spye Toledo. Sa hindi matatawarang tulong at suporta ng SM City Lipa, JCI Lipa, PCCI Lipa Chapter, at CSWDO.
Naghandog ang PCCI Lipa City, Jorica at Gerimel Garing, ng mga cookies at gift bags para sa 150 na mga bata na nagmula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Lipa, suportado ito nina Pres. May Ann Katigbak at mga miyembro na sina Joseph Katigbak at Orlan Bancoro.
Layunin ng Angels walk advocacy na ipakita ang kahalagahan ng pag-unawa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang magbigay ng oportunidad at suporta sa mga taong may autism. | 📸: PCCI Lipa City, Mayor Eric Africa