fbpx

3 katao patay, dahil sa mainit na panahon sa Pili, Camarines Sur

Nasawi ang tatlong indibidwal sa Pili, Camarines Sur matapos umano atakehin sa puso dulot ng matinding init ng panahon, nitong Miyerkules, ika-1 ng Mayo.

Kabilang sa tatlong nasawi ay isang traffic enforcer at dalawang iba pang empleyado ng munisipyo, ikinupirma ni Pili Mayor Thomas Bongalonta.

“Dito sa amin, 3 empleyado na ang namatay dahil sa init. The other day, ‘yung aming traffic guard ay namatay dahil inatake siya sa puso dahil sa epekto ng init ng panahon at may dalawa pa,” ani ni Bongalonta.

Samantala, patuloy pa rin na nangunguna ang lungsod ng Pili, Camarines Sur, partikular ang Central Bicol State University of Agriculture, sa may pinakamataas na heat index sa bansa na umabot na sa 48°C, ayon sa huling forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, ika-2 ng Mayo. | J.A Idanan, B.Channel News

About Author