fbpx

58 anyos na lalaki, dead-on-the spot nang pagbabarilin sa San Juan, Batangas

Kalunos lunos ang sinapit ng biktima nang walang awa na pagbabarilin ito sa Barangay Escribano, San Juan, Batangas nitong Huwebes ng hapon pasado ala-1:00, ika-2 ng Mayo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan MPS, habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang apo patungo sa direksyon ng Brgy. Poblacion nang biglang sumulpot ang suspek at tila nagtanong kung saan ang bahay ng Kapitan ng Barangay.

Sa hindi pa matukoy na dahilan, bigla na lamang nito pinaputukan ng dalawang beses ang biktima na nagresulta sa pagkasawi nito.

Agad na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa hilagang direksyon ng Barangay Talahiban San Juan Batangas.

Napag-alaman na ang ginamit na armas sa krimen ay Cal. 45 batay sa narekober na dalawang (2) basyo ng bala sa lugar ng insidente.

Sa ngayon ay nagsasagawa nang follow up operation ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at hinihiling ang autopsy para katawan ng biktima. | J. Fruelda, BChannel News

About Author