
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, buong ipinagmamalaki ng isang kompanya ang kanilang makabago at multi-functional na mobile app upang paunlarin ang paggamit ng digital na solusyon sa Pilipinas.
Ito ang BipBeep, isang multifunctional app na idinisenyo sa masa upang guminhawa at mas mapadali ang pang-araw-araw na gawain ng consumers at palakasin ang mga negosyante, at riders.

Ang app na ito ay isang one-stop-shop para sa lahat ng pangangailangan, magagamit na para i-download sa App Store at Google Playstore.
Hangad ng BipBeep na baguhin kung paano ginagamit ng mga Pilipino ang teknolohiya sa kanilang pang-araw-araw na buhay, lalo na sa mabilis na nagbabagong digital na mundo.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang multifunctional na platform, layunin ng BipBeep na magamit ang mahalagang oras nang husto at pagsama-samahin ang iba’t ibang serbisyo sa isang seamless na mobile application.
Para sa mga negosyante, nag-aalok ang BipBeep ng competitive na commission rates at user-friendly na proseso ng onboarding. Ginagawa nitong accessible para sa mga startup at micro businesses na makilahok nang may kumpiyansa sa mas malawak at mas diversified na customer base. Sa pamamagitan ng BipBeep, maaaring magarantiya ng mga merchants ang karagdagang kita at palawakin ang kanilang saklaw ng negosyo.
Ang mga riders naman ay nakikinabang din sa makabagong platform na ito. Ang BipBeep ay nag-aalok ng mas magagandang pagkakataon sa kita, na nagbibigay ng sustainable na kabuhayan sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo ng app. Mula sa pagde-deliver ng mga produkto hanggang sa pagbibigay ng transportasyon, maaaring i-maximize ng mga riders ang kanilang kita habang nag-aambag sa kaginhawaan ng komunidad.
Maliban sa traditional na Food Delivery, tampok sa natatanging serbisyo ng Bipbeep ay matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga user. Kabilang dito ang:
Booking Appointments: Maaaring mag-schedule ng clinic appointment, salon visit, at iba pa nang mabilis at madali.
Table Reservations: Ginagawang madali ang pagre-reserve ng mesa sa mga paboritong restaurant sa pamamagitan ng app.
Service Scheduling: Mula sa paglilinis ng bahay hanggang sa pag-aayos ng sasakyan, maaaring mag-ayos ng serbisyo ayon sa kaginhawaan ng user.
Pick and Drop Services: Tinitiyak ng Padala service ng BipBeep na walang abala ang pagpapadala at pagtanggap ng mga package.

Hangarin ng BipBeep na tulungan ang mga Pilipino sa pagbibigay ng mahusay, makabagong solusyon at seamless na access sa mga pangunahing serbisyo.
Ikinagagalak ng BipBeep na palawakin ang kanilang serbisyo sa Batangas, na nagdadala ng kanilang komprehensibong digital na solusyon sa mas maraming Pilipino.
Ang ekspansyong ito ay isang mahalagang milestone sa misyon ng BipBeep na iangat ang komunidad sa pamamagitan ng teknolohiya.
Maaring bisitahin ang kanilang Official Facebook page na BipBeep para sa iba pang katanungan at alamin na rin ang kanilang mga latest offer at voucher.