Hinirang ang Pilipinas bilang Best Diving Destination award at Best Tourism Promotion Partnership award sa Diving, Resort and Travel Show Beijing 2024.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA nasa 12 dive shops, resorts, at liveaboards mula sa Pilipinas ang nakibahagi sa dive expo sa Beijing.
Layun ng naturang event na pabilisin ang development ng diving industry sa Asia Pacific at pairalin ang heightened awareness ng marine conservation.
Ayon naman kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz nakapag-ambag ang dive tourism ng mahigit P73 bilyon sa ekonomiya ng bansa noong 2023, na kung saan doble sa kinita ng industriya noong 2022.