Dead on the spot ang dalawang biktima, habang tatlo ang sugatan matapos mabangga ng motorsiklo ang isang sidecar sa Sitio Camp Avejar, Brgy. Lumbangan, Nasugbu, Batangas nitong Lunes, Agosto 19.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Nasugbu Police, habang tumatawid ang sidecar na minamaneho ni Miguel, isang tricycle driver, sakay ang talong pasahero bandang alas tres ng madaling araw nang bigla itong banggain ng kasalubong na motorsiklo.
Sa lakas ng impak, patay ang driver ng motorsiklo na si alyas Fernando at isa sa pasahero ng tricycle na kinilala sa pangalan na alyas Nicolas dahil sa tinamong head injuries habang sugatan naman ang driver ng side car at dalawa pang pasahero nito. Isinugod naman sa ospital ang mga biktima para bigyang lunas.
Samantala, parehong nagtamo ng malaking damage ang dalawalang motorsiklo sa tindi ng pagkakasalpok. | D.Rupan, BChannel News