Matagumpay na nailunsad ang programang Brigada Eskwela para sa mga mag-aaral ng Lilinggiwan sa tulong ng Rotary Club of Batangas sa Lilinggiwan Elementary School nitong Martes, Agosto 20.
Namigay ang Rotary Club of Batangas kasama ang ilan nitong partners, ng mga school at office supplies, Children’s Bible book, hygiene kit, mga vitamins, at tulong pinansyal para sa mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa inisyatibo ni Past President Engr. Kenneth Suarez at sa pangunguna ni Magical President Pheng De Chavez, sa tulong at kooperasyon ng mga sumusunod: MGS Builders and General Contractor OPC na pagmamay ari ni Engr. Kenneth; Ms. Lea G. Ramirez ng DOC1 Healthcare Systems Inc.; Hon. Armando Lazarte; Mr. Ross Evangelio, Hon. Board Members of 5th District – Claudette Ambida and Bart Blanco; Dr. Victoria Fababier; Dra. Ruskie Clet; Pres. Gerard De Chavez of Rotaract Club of Batangas; Mr. Aedan Abacan of Rotakids Batangas; Interact Club of Batangas, at sa pamunuan ng Brgy. Ilijan.
Taos pusong pasasalamat ang ipinahatid ng mga guro at pamunuan ng paaralan ng Lilinggiwan Elementary School sa Rotary Club of Batangas at sa lahat ng bumubuo rito, sa naging tulong, pagbibigay saya sa mga munting mag aaral at sa suportang ibinigay ng organisasyon sa kanilang paaralan.