fbpx

Batangueños, humakot ng mga medalya sa ISKF Hongkong/Macau Open Karatedo Championship sa Macau

Nagkamit ng 4 na medalya ang mga karateka athletes mula Lipa City, Batangas sa ginanap na 1st ISKF Hong Kong/ Macau Open International Karate Championship 2024 sa Richi Sports Gymnasium, Macau SAR nitong Linggo, August 25.

Nasungkit ng JKS-KBPS karateka athlete na si Naomi Quezon ang gintong medalya sa Kata at Silver Medal sa Kumite habang nagkamit naman ng dalawang gold medal si Faith Angela Rogon, parehong mula sa Intermediate Girls category.

Samantala, nakakuha rin ng gintong medalya ang coach na si Michael Llave, JKS-KBPS Calabarzon Coach, sa Open at Advance category kung saan nakamit niya ang Top 1 spot sa nasabing kompetisyon.

Nakatakda muling lumaban sa isa pang international championship tournament ang ilang piling karateka athletes ng JKS-KBPS Calabarzon na gaganapin naman sa South Korea sa darating na buwan ng Oktubre. | D. Rupan. BChannel News |

About Author