Nasawi ang isang 34-anyos na negosyante matapos makuryente sa Purok 1 Barangay Mangahan, Mataas na kahoy, Batangas noong ala 3:10 ng hapon ng Miyerkules, Agosto 28.
Kinilala ang lalaking biktima na si alyas Jun, residente ng Barangay Muzon, San Luis, Batangas.
Ayon sa imbestigasyon ng Mataasnakahoy Police, habang nag-aayos lamang ng security camera ang biktima nang biglang makuryente at mahulog sa hagdanan.
Dahil dito, nagtamo siya ng iba’t-ibang pinsala sa katawan at kaagad na itinakbo sa pagamutan subalit sa kasamaang palad, idineklara siyang dead on arrival.