Walang awang pinagbabaril ang isang pasyente habang nasa loob ng Emergency Room ng isang hindi pa natutukoy na suspek sa Dasmariñas City, Cavite bandang alas 3:10 ng madaling araw noong Miyerkules, Agosto 28.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Cavite Police, pinagbabaril ng armadong susek ang biktima habang naka confine at natutulog sa ospital. Hindi rin nakaligtas pati ang ina nito na magkaroon ng tama sa kanang hita.
Nadamay din pati ang dalawa pang mga inosenteng biktima habang tumatakas ang salarin sa krimen.
Ang ikatlong biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang braso, habang ang ikaapat na biktima ay nagtamo ng sugat sa kanyang kanang paa dahil sa tumamang ligaw na bala.
Kinilala ang pinaslang na biktima na si Chaty Doringo, isang police asset na napag-alaman na nakailigtas sa isang ambush habang ang ina at ang dalawa pang biktima ay sugatan dahil sa insidente.
Samantala, mabilis na tumakas ang suspek na kaagad namang sinundo ng dalawang motorsiklo at tumakas papunta ng Congressional Avenue sa Area 1 sa Dasmariñas City.
Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin pati ang dalawa nitong kasabwat maging ang motibo ng pamamaril nito sa biktima. | BChannel News