fbpx

Mag-asawa, patay matapos barilin sa palengke ng Bauan, Batangas

Patay ang mag-asawa na sina alyas Marlon, 58-anyos, at alyas Angelina matapos barilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa 2nd floor ng Bauan Public Market sa Poblacion 3, Bauan, Batangas dakong alas 4:30 ng madaling araw ng Lunes, Setyembre 9.

Ang insidente ng pamamaril ay kaagad namang isinangguni sa Bauan Municipal Police Station (MPS) ni Roda Dimalibot, Bauan Public Market Head, sa lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bauan Municipal Police Station (MPS) at salaysay ng saksi, nakarinig na lamang ito ng putok ng baril at kaagad na nagtago sa tindahan.

Isinugod naman sa Hospital ang dalawang biktima ng pamamaril upang gamutin subalit idineklara ring dead on arrival.

Nakatakas naman ang suspek at patuloy na tinutugis ng pulisya.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya gayundin ang motibo sa pamamaslang. | BChannel News

About Author