fbpx

19-anyos na dalaga, patay matapos saksakin sa Cavite

Duguan at nag-aagaw buhay na nang matapuan ang isang 19- anyos na dalaga sa tabing kalsada matapos pagsasaksakin sa likod sa Brgy. Sanja Mayor sa Tanza, Cavite kaninang madaling araw.

Batay sa report nga Tanza MPS, isang report ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen tungkol sa dalagang nakabulagta umano sa tabing kalsada sa naturang lugar.

Kinilala ang biktima na si Christel Maumay at residente ng Brgy. Daang Amaya 3, Tanza, Cavite.

Agad namang isinugod sa hospital ang nasabing biktima, ngunit hindi na ito umabot at idineklarang dead on arrival.

Arestado naman ang 32-anyos na suspek na kinilalang si Alyas Julie na nahaharap sa kasong murder.

Samantala, kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyareng insidente at kung ano ang motibo ng suspek sa nasabing krimen. | D. Rupan, BChannel News

About Author