Nalason ang 30 katao matapos makakain ng kontaminadong tahong o green mussels sa Barangay Parasan, Daram, Samar, nitong Miyerkules, Setyembre 25.
Ayon sa report ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, ang mga biktima ay walong bata at 22 matatanda.
Ayon sa Department of Health REGION 8, ang mga pasyente ay nakaranas ng mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, pamamanhid ng katawan, pagkahilo, pagsusuka, at pananakit ng tiyan nang kumain ng tahong mula sa dagat ng Tinaogan, Zumarraga, Samar.
Gumamit pa ng bangka ang mga awtoridad para maisugod sa ospital ang mga naturang biktima at sa ngayon patuloy na ginagamot.
Matatandaang isinailalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-8 ang dagat ng Daram at Zumarraga na positibo sa red tide poisoning o paralytic shellfish poisoning.