fbpx

WalterMart at First Gen, Pinalawak ang Solar Energy Partnership

Pinalawak ng WalterMart at First Gen Corporation ang kanilang kasunduan para magtayo ng pitong bagong solar power plants sa Luzon.

Ang mga planta ay may kabuuang kapasidad na 11.4 megawatt-peak (MWp) at bahagi ng programa ng WalterMart na gumamit ng mas maraming malinis na enerhiya.

Kabilang sa mga lugar na magkakaroon ng solar-powered WalterMart malls ay ang Candelaria, Quezon; Subic, Zambales; San Fernando, Pampanga; Gapan, Nueva Ecija; Nasugbu, Batangas; Malolos, Bulacan; at Antipolo, Rizal.

Target ng WalterMart na makuha ang 20% ng kuryente nito mula sa solar energy sa taong 2025.

Ayon kay WalterMart Chairman Abraham Uy, layunin nilang suportahan ang sustainability at bawasan ang paggamit ng fossil fuels.

Simula 2019, nagtutulungan ang WalterMart at First Gen sa pag-develop ng solar power systems para sa kanilang malls. | BChannel NEWS | JMPamintuan | 📸 First Gen

About Author